‘Kaso ng EV-71’ sa Region 9, binabantayan

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH)-9 na mino-monitor na nila ang tatlong “hinihinalang carriers ng Enterovirus o EV-71” sa Region 9.

Ayon sa report ang tatlo sa mga biktima ng nasabing sakit ay mula sa Zamboanga City, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Norte.

Ayon sa DOH, isang 12-anyos na batang lalaki ang hinihinalang biktima ng sakit sa Zamboanga City, habang isang one and half years old na batang lalaki ang biktima sa Zamboanga Sibugay. Patuloy namang sinusubaybayan ang report ng nasabing sakit sa Zamboanga del Norte.

Nabatid sa DOH, walang travel history sa labas ng bansa ang tatlo.

Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na mag-ingat para makaiwas sa nasabing sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply