Kaso ng leptospirosis, typhoid fever tumaas sa Pangasinan

NABABAHALA ang provincial Health Office ng Pangasinan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng leptospiroris at typhoid fever sa lugar.

Ayon kay Dr. Anna De Guzman, provincial health officer, hindi lamang ang sakit na dengue ang kanilang tinututukan ngayon kundi maging ang kaso ng leptospirosis at typhoid fever.

Mula noong Enero haggang August 20 ay umabot na sa 26 ang naitalang kaso ng leptospirosis kumpara noong nakaraang taon na nakapagtala lamang ng 14 na kaso kung saan tumaas ito ng 85% ngayong taon.

Sa nasabing bilang ay lima naman ang naitalang namatay kumpara sa dalawang kaso na naitala noong 2011.

Karamihan aniya sa mga naitalang kaso ng sakit ay mula sa San Jacinto, Sta. Barbara, Urbiztondo at siyudad ng Dagupan na kadalasan nasa late stage na ang leptospirosis bago magpatingin sa doktor ang mga biktima.

Samantala, tumaas din ang kaso ng typhoid fever sa nasabing lalawigan.

Isa rin ito sa tinututukan ng PHO na nakukuha sa maruming tubig.

Sa ngayon, umaabot na sa 535 ang kaso nito habang tatlo naman ang namatay.

Pangunahing binabantayan ng PHO ang siyudad ng San Carlos matapos makapagtala ng 108 na kaso nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply