‘Kaso ng mga hazing victim madaliin’- Binay

NANAWAGAN si Vice President sa Department of Justice na madaliin ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa kaso ng mga naging biktima ng hazing sa bansa.

Sa isang panayam, naniniwala rin si Binay, na alumnus ng kapatirang Alpha Phi Omega (APO) na hindi ang batas ang problema kundi ang pagpursige ng pamahalaan na makasuhan ang mga nasangkot sa fraternity initiation.

“Nandiyan yung batas. Ang problema nga diyan, yung mga naka-pending. Di ba sabi, pangalawa na ito, yung una pending, mukhang kulang ang attention, ang pagpro-prosecute,” reaksyon pa ni Binay, matapos ang pagkamatay ng isang law student ng San Beda College at biktima ng hazing sa Dasmarinas, Cavite.

Ayon pa kay Binay, nawawala ang layunin ng batas na mahinto ang mga madudugong initiations dahil sa walang nangyayari sa mga kaso.

“Biruin mo naman, matatapos na ang taon, preliminary investigation pa lang, ibig sabihin wala pa sa hukuman. Sasabihin na walang testigo, eh di gawan ng paraan para hanapin ang mga testigo,” dagdag pa ni Binay bilang reaksyon sa takbo ng kaso ni Marvin Reglos at isa din biktima ng hazing.

Ikinatuwa rin ni Binay ang naging kahandaan ng mga opisyal ng San Beda College na tumulong para sa ikalulutas ng kaso nina Marcos at Reglos.

Inihayag din ni Binay na siya din ay nakaranas ng hazing bago ito naging ganap na kasapi ng fraternity.

Gayunpaman, iginiit din ni nito na wala nang ipinatutupad na hazing ang kapatirang APO, ilang taon na ang nakakaraan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply