Kaso ng sinapak na MMDA nai-raffle na

NAI-RAFFLE na kanina ng Quezon City Prosecutors Office  ang kasong isinampa ng traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) laban sa executive ng Philip Morris Phils. and Fortune Tobacco Inc.

Napunta sa sala ni Asst. Chief Prosecutor Victorino Badua Jr. ang kasong direct assault upon a person in authority na inihain ng traffic enforcer na si Saturnino Fabros laban kay Robert Blaire Carabuena at sa kapatid nito.

Samantala , matapos maglabasan sa social network ang pananapak kay MMDA enforcer Fabros ay marami ang nainis  sa suspek dahil bukod  aniya sa paglabag sa batas trapiko ay nagawa pa nitong manakit ng nanita sa kanya.

Matatandaang sinita ni Fabros si Carabuena sa bahagi ng Capitol drive sa kanto ng Tandang Sora Avenue sa Quezon City  dahil sa beating the red light na ikinairita naman ng suspek na sakay ng isang luxury car.

Binaba umano ng suspek at kapatid nito si Fabros bago inalipusta hanggang sa sinapak sa mukha.

Tiyempo namang naroroon sa lugar ang crew ng isang istasyon ng telebisyon at buong-buong nakunan ng footages ang senaryo.

Samantala, sinuspinde na ng kanilang kumpanya si Carabuena na opisyal ng HRD division ng kumpanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply