Kaso ni Marc Andrei Marcos malulutas na – PNP

SINIGURO ng Cavite police na malapit nang malutas ang pinakahuling kaso ng hazing sa San Beda College of Law na ikinamatay ng isang neophyte.

Ayon kay Cavite Provincial Dir. Police Sr. Supt. John Bulalacao, mapagtatagpi-tagpi na nila ang testimonya ng kanilang mga nakapanayam sa pagkamatay ni Marc Andrei Marcos at malalaman din nila ang totoong nangyari.

Aniya, maraming gustong tumulong sa kanila kabilang na ang ilang miyembro mismo ng sinalihan ni Marcos na Lex Leonum Fraternitas.

Ani Bulalacao, may listahan na sila ng mga miyembro ng naturang fraternity mula mismo sa mga ka-brad na sana ni Marcos, kung saan ang isa ay kasama mismo sa hazing rites.

Matatandaang kinasuhan na si San Beda College-Alabang 3rd year Law student Gian Angelo Veluz na sinasabing anak ng may-ari ng farm kung saan naganap ang krimen.

Ayon kay Bulalacao, nakausap na nila ang ama nito at nangakong isusuko si Gian sa lalong madaling panahon.

Narekober ng mga pulis ang mahigit 100 cigarette butts, container ng ammonia at mga kandilang ginamit sa hazing rites.

Gayunman, hindi nila natagpuan ang paddle na ginamit na pampalo sa biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply