Kaso vs Vicki Bello, ibinasura ng QC RTC

IBINASURA na ng Quezon City Prosecutor’s Office ang  estafa case laban sa celebrity cosmetic surgeon na si Vicki Bello at dalawa sa kanyang doktor dahil sa botched butt-augmentation procedures ng ikinasa ng Belo Medical Group (BMG) sa negosyanteng si Josefina Norcio.

Maliban sa pagbabasura ng  estafa at iba pang reklamo kay QC chief prosecutor Donald Lee, dinismis din ang kasong paglabag sa Medical Act of 1959 o ang illegal practice of medicine laban kay Belo at sa dalawang iba pa.

Ang co-respondents ni Belo ay sina Dr. Ronaldo Cayetano, na nagkasa ng unang butt augmentation procedure kay Norcio noong 2002; at si  Dr. Francis Decangchon na nag-opera sa complainant noong 2005 para naman itama ang  kanyang ‘di pantay na puwitan.

Sa 7-page review, kinatigan ni Lee ang June 8, 2012 resolution ni assistant city prosecutor Fabinda Santos, na nagdismis sa kaso laban sa mga doctor sanhi ng kakulangan ng probable cause.

Sumang-ayon ang chief prosecutor kay Santos na idismis ang  kaso dahil ang mga akusado ay kapwa duly licensed physicians” at ang butt infection complained ni Norcio at may koneksyon sa hydro gel injected sa kanya noong  2002 at 2005.

“The rest of the disposition in the said resolution insofar as it dismisses the charge of estafa/other deceits and violation of Medical Act 1959 against the respondent-surgeons is hereby approved and retained in toto,” pahayag pa ni Lee.

Gayunman, ibinaligtad ng chief prosecutor ang rekomendasyon ni Santos na magsampa sa korte ng perjury case na isinampa ni Belo laban kay Norcio.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply