Kastahan ng first class na prosti sa Mandaluyong

SILIPIN natin, mga pare ko, ang talamak na bentahan ng mga hi-class prostitute sa Watering Hole Resto Bar sa EDSA cor. Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Sa resto bar na ‘yan ay maraming nakatambay na professional na bugaw na nag-aalok sa mga kalalakihang parokyano ng mga hi-class prostitute.

Halos dinarayo ito ng kung sino-sinong mga kalalakihang mahihilig na maki-pag-sex sa mga bayarang babae sa nasabing resto bar.

Mandaluyong Mayor  Benhur Abalos, baka hindi niyo nalalaman na ang pinakamamahal  ninyong siyudad ay pinamamahayan na ng mga hi-class prostitute.

Baka puwede naman ninyong aksyunan ang reklamo ng mga constituent nyo.

Basahin ninyo, mayor, ang nilalaman ng message na itineks po sa akin.

Hi, bro. Ito ‘yung text sa sumbong sa akin na iparating ko raw sa iyo.

Dear Sir, I’m an avid reader ng Remate, partikular na po ang kolum ni Juan de Sabog. Pakisabi kay Sir Johnny na talamak na ang bentahan ng mga hi-class prosti sa Watering Hole Resto Bar sa EDSA cor Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Marami ring nakatambay na first class na bugaw na siyang nag-aalok sa mga parokyano ng mga hi-class prostitute.

Ang asawa ko ay laging ubos ang pera dahil doon. Ang sabi sa akin, may komisyon  ang pamahalaang lokal ng Mandaluyong at kapulisan kaya tinotolerate nila ito.

Sana po ay huwag naman ganun! Salamat po!

PAIHI NG GASOLINA SA BATANGAS PADER

Talamak umano ang ‘paihi’ ng produktong petrolyo buhat sa Shell Refinery sa Brgy. Paharang, Batangas City.

Mismo sa isang gasoline station ipinapaihi ang kanilang mga ninanakaw na gasolina.

Garapalan ang ginagawang pagnanakaw pero hindi kumikilos ang kapulisan. Bakit?

oOo

Anoman ang reklamo, mangyari ay i-text lang sa 09189274764 o 0926671-9269 o i-email  sa juandesa-bog@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply