Kawani ng munisipyo, mag-utol tiklo sa shabu

ISANG empleyado ng gobyerno at isang magkapatid ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa magkahiwalay na search warrants operation sa Santiago, Ilocos Sur noong  August 28, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga suspek na sina Joselito Estranero, 45 anyos, empleyado ng Santiago Municipal Assessor’s Office, at residente ng Barangay Sabangan, Santiago, Ilocos Sur; Darwin Echaniz, 35 at nakababatang kapatid nitong si Christopher, 22, kapwa residente ng Barangay Poblacion Sur, Santiago, Ilocos Sur.

Ang tatlo ay nadakip ng mga elemento ng PDEA Regional Office 1 (PDEA RO1) sa pamumuno ni Director Roybel Sanchez, Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group at Santiago Police station sa magkasunod na inihaing search warrants sa kanilang mga tirahan sa Estranero sa Brgy. Sabangan at sa bahay ng magkapatid na Echaniz sa Brgy. Poblacion Sur.

Nakumpiska sa mga suspek ang may apat na sachet ng shabu na sinasabi ring sangkot at matagal ng sinusubaybayan dahil sa umano’y pagtutulak ng iligal na droga .

Dahil dito, inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng f Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga nahuling suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply