Kawani ng Taguig City Hall arestado sa kasong pagpatay

INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang isang kawani ng lokal na pamahalaan na sangkot sa kasong pagpatay habang naghahatid ng kanyang anak sa paaralan kahapon sa Taguig City.

Kinilala ang inarestong si Rhayson Ungco, 38, residente ng 155D M.L. Quezon St., Brgy Hagonoy, Taguig City at kawani ng General Services Office ng Taguig City Hall, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Pasig Regional Trial Court Branch 153.

Bukod kay Ungco, walo pang suspek ang pinaghahanap ng pulisya na sangkot sa kasong pagpatay sa 18-anyos na biktimang si Bea Jay Asuncion, residente ng Brgy. Tugtukan, Taguig na kinabibilangan nina Roberto Flogen, barangay captain ng Sta. Ana, Reynaldo Balicano, Edgardo Conde, Freddie Recto, Joey Rodriguez, Mario Pagkalinawan, Ruel Rodriguez at Edwin Bautista, na pawang taga-Brgy. Sta. Ana, Taguig City.

Batay sa sinumpaang salaysay ng ina ng biktima na si Ermina Asuncion, umalis ang kanyang anak upang magtungo sa isang sayawan sa Don Vicente malapit sa hangganan ng Sta. Ana at Tuktukan dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Disyembre 13, 2010.

Ilang mga nakasaksi ang nagpahayag na napaaway umano ang grupo ng biktima sa ilang mga kalalakihan hanggang mahagip ng isang sasakyan na may plakang SGK-341 na natuklasang pag-aari ng General Services Office ng Taguig City hall.

Isa pang sasakyan na pag-aari umano ng barangay sa Sta Ana ang dumating at nagtulong-tulong na ang mga sakay nito na bugbugin si Asuncion at kanyang mga kaibigan. Matapos ang panggugulpi, dinala sa police station ng mga barangay tanod ang biktima hanggang sa tuluyan mamatay nang dalhin sa Rizal Medical Center.

Lumabas sa awtopsiya na nasawi ang biktima sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan dulot ng panggugulpi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply