Kawatan sa Jollibee at dynamite fishing

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga tagasubaybay ng pagkakataon na maihayag nila ang kanilang mga kaisipan, karaingan reklamo at iba pa.

KAWATAN SA JOLLIBEE

Palpak ang management  ng Jollibee Binangonan, Rizal. Magnanakaw kinukunsinti nila. Ilan na ang

nawalang empleyado ngunit walang reaksyon ang Jollibee. May nakawan ng pera, cellphone at ATM.

Walang aksyon na ginagawa ang management. Mga manager dyan sa Jollibee Binangonan. ‘Wag kayong tutulog-tulog sa pansitan. Concerned customer. 0905732….

JUETENG SA TUGUEGARAO city

Gud am, sir. I-report ko lang po sana ang nagkalat na pasugalan at jueteng dito sa Tuguegarao City, Cagayan. Wala po kasing aksyon ang kapulisan at protektado raw po ng aming Mayor na si  Delfin Ting. 0906758….

PUNA SA MEDIA

Kailan kaya magiging patas ang Broadcasting ng Pilipinas? Sa bumagsak na eroplano nina DILG Sec. Robredo, siya lang ang paulit-ulit na binabanggit na pangalan. Ni minsan ‘di rin nila mabanggit-banggit ang pangalan ng dalawang piloto, lalo ang isang kasama nilang ibang piloto.  At sinasapawan pa ni Sec. Roxas ang trabaho ng mga pinuno ng mga rescuer na sila ang dapat magbigay ng mga impormasyon sa naganap na rescue operations. Jhon Rubrica  ng Cebu City. 0920823….

SIRANG TULAY

Grabe na ang tulay rito sa Barangay San Gabriel Street, General Trias, Cavite. Sira-sira na at may naaaksidente at nahuhulog dito, ngunit wala pa ring aksyon ang mga barangay tanod at kapitan na ipaayos ito. Pati si mayor ayaw bigyang pansin ito. Ano bang klaseng pamumuno yan at ayaw protektahan ang nasasakupan n’ya mula sa disgrasya! 0909320….

NATUGUNANG PROBLEMA

Gud am, sir. Gusto namin na ipaabot ang aming pasasalamat sa madaliang pag- apruba ng aming Rationalization sa ilalim ng E.O. 366 sa Telecommunications Office sa pamumuno ni DOST Sec. Marin G. Montejo at kay ICTO Exec. Director Louis Napoleon C. Casambre. Kanila umanong agad ipatutupad ito. Malaking tulong ang nagawa ninyong taga-media at kolumnista sa agarang pag-aaprub nito sa dahilang makatutulong sa programa ng ating Pangulong Aquino sa matuwid na Daan. Thanks and more power. Concerned Employees ng TELOF-MMLA. 0943605….

MAHAL NA KURYENTE

Gud am, Sir Benny. Ako po ay taga-Valenzuela City. Nakatira po kami sa tinatawag nilang Pearl Island. Malapit po sa Ciudad Grande at sakop po ng Lawang Bato. Ang inirereklamo ko po ay ‘yung kuryente rito. Puro sub-meter ang gamit at akala mo condominium. Pakikalampag naman po ang mayor namin para matulungan kaming magkaroon ng ligal na kuryente. Kasi ang mahal ng kuryente na aming binabayaran. P1 libo kada buwan. Ang gamit namin ay 1 ilaw at electric fan. Sana bigyan niyo po ng pansin ang reklamo kong ito. 0939546….

DOBLE PASAHE SA TRICYCLE

Good day po, Sir Benny. Isa po akong concerned citizen/student dito po sa Silang, Cavite. Gusto ko lang pong maaksyunan ang ginagawa ng mga tricyle driver dito po sa lugar namin na naniningil ng doble kahit po ako’y pick-up student passenger lang. Huwag niyo pong i-publish ang no. ko. Thanks po. 0907697….

MAGBABAYAD SA AKSIDENTE SINO?

Good pm po! Isa po akong empleyado ng ecom, contractor po ng Meralco rito sa Biñan, Laguna. Kasi po nakaaksidente ako ng tao na ‘di naman

sinasadya. Ang nangyari po kasi, nasa taas ako ng poste ng Meralco, tapos nahulog po ang bakal na roller. May tinamaang tao sa baba at sa paa po tinamaan. Tanong ko lang po: kompanya po ba ang magbabayad o ako? Nagbayad na po kasi ako ng

P3,500. Wala po kaming insurance sa trabaho namin. 0930120….

SHABU SA MINERO

Magandang araw po. Isusumbong ko lang po na rito sa aming lugar, Paracale at Panganiban, Camarines Norte, talamak na ang bentahan ng shabu. Lalo na ‘yung mga player na pumapasok sa mga minahan, gumagamit muna sila bago lumusong sa tunnel. Ang mga kapulisan po rito ay mga nagbubulag-bulagan lang kahit alam nila na talamak ang bentahan dito.

Sir Benny, kami pong mga residente rito ay natatakot na dahil parami ng parami ang krimen  dito sa lugar namin. ‘Di naman kumikilos ang mga awtoridad dito. Sir Benny, paki-paabot naman po

sa kinauukulan sa itaas para matigil na ang bentahan ng shabu sa lugar namin. Saka pakiimbestigahan po uli ‘yung pamilya “HABITAN” dito sa lugar namin.

Minsan na itong na-media dahil involved ito sa mga iligal na transaksyon. Salamat po! Don’t publish my no. Concerned citizen. 0946244….

MAMUMUTOK SA DAGAT

Idol Benny,’yun pong mamumutok sa dagat ng Lubang, Mindoro Occidental. nagmamalaki na malaki raw ang patong nila sa mga pulis, coastguard at mayor ng Lubang.

Kami po ay taga-Cavite pa at dumarayo kami roon dahil nangingisda po kami. Tuna po ang hinuhuli namin. Paano na po kami mabubuhay? Marami po

kaming mangingisda. Kung pumalag naman po kami, pasasabugin daw po ang bangka namin. Mga siga po

talaga sila. Paki tulungan po ninyo kami, Sir Benny. Kayo  lang po ang pag-asa namin. 0929560…

Sir Benny, good pm po. Ang auntie at uncle ko ay nasa USA naman sila ay api. Pero sana makabalik ang base militar ng US para mapangalagaan ang Pinas. Mas nais ko namang dumulog sa US kaysa sa China. 0915887….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply