Kelot 5 taon naglaho, kalansay na nang matagpuan

NATAGPUAN ang kalansay ng isang lalaki na limang taon nang nawawala sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si Ronald Dading 27 anyos, may asawa isang magsasaka at naninirahan sa barangay Paraiso lungsod ng Koronadal .

Sa ulat, ang biktima ay pinaniniwalaang biktima ng summary execution ay natagpuang nakatali pa ang dalawang kamay.

Lumabas sa imbestigasyon ni police Senior Inspector Joan Maganto, chief of police ng Tantangan, taong 2007 pa napaulat na missing ang biktima.

Tinitignan din ang anggulong selos sa motibo sa pagpaslang sa biktima na ibinase sa pahayag ng witness dahil bago nawala ang biktima ay may sinabi itong mayroong nagbanta sa kanyang buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply