Kelot binoga ng ‘iniputan sa ulo’

NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang lalaki nang hindi mapuruhan sa pamamaril ng lalaking kanyang inagawan ng misis sa Brgy. 3, Pasuquin, Ilocos.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Luna Acebo, 40, ng Brgy. Davila sa bayan ng Pasquin, habang ang suspek ay ang mismong asawa ng kanyang live-in partner na si Jessie Bareng, 37,  ng Brgy. 28, Laoag.

Sa imbestigasyon,  nabatid na bago ang insidente ay nagka-engkuwentro ang suspek at ang biktima sa isang bahay sa naturang barangay ngunit naayos din.

Nang uuwi na sana si Acebo ay tinambangan siya ni Bareng at binaril.

Narekober sa lugar ng insidente ang  10 bala ng kalibre 45.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply