Kelot huli sa mga pekeng P1,000 bills

SASAMPAHAN na ng kaso ang isang lalaki na naaresto makaraang iturong nagpapakalat ng pekeng P1,000 bills sa General Santos.

Ang suspek ay kinilala si Ronnie Panesa, 45, ng Barangay Fatima.

Nabatid na nahuli ang suspek na may limang pekeng P1,000 sa pag-iingat matapos isinumbong ng kanyang tinangkang biktimahin.

Umamin naman ang suspek na nakuha niya ang pekeng mga pera sa isang sabungan.

Kasong paglabag sa Article 168 o illegal possession and use of false treasury device ang kinakaharap na kaso ng suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply