Kelot huli sa shabu

SWAK sa kulungan ang isang kelot matapos mahulihan ng shabu nang rumesponde ang mga pulis dahil  sa tawg na may mga nagsusugal sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Badjet Serrano, 29 ng San Jose Hagonoy, Bulacan.

Sa pahayag ni PO2 Carlo Hernandez ng Caloocan City Police, dakong alas-2:45 ng hapon, nakatanggap ng tawag ang mga pulis na may mga nagsusugal sa Guido, Maypajo ng lungsod na naging dahilan upang puntuhan.

Nakita ni Hernandez ang suspek na nakatayo sa nasabing lugar at may hawak sa kamay at nang lapitan ng una ay napansin na sachet na shabu ang hawak.

Agad na dinamba ang suspek at nakuha ang isang sachet na shabu na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply