Kelot kulong nang maghagis ng granada

KULONG ang isang kelot matapos maghagis ng granada sa tapat ng burger stand sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw, Agosto 19.

Nakilala ang suspek na si Denver Cuevas, 20, ng Avacado st., Bisalao, Bagbaguin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:20 ng madaling araw, bumili ng burger ang saksing si Ryanel Aguilar sa Avocado st., kung saan kasunod na bumili ang suspek.

Papaalis na ang saksi nang may sumigaw na “Takbo, Sasabog” at nang lingunin ang suspek ay nakitang inihagis ang granada na mapalad na hindi sumabog.

Rumesponde ang mga pulis at nakuha ang MK2 fragmentation grenade habang nadakip naman ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply