Kelot kulong sa pananakit sa ka-live-in

SWAK sa kulungan ang isang lasing na kelot matapos tadyakan ang ka-live-in sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kagabi, Agosto 24.

Nakilala ang suspek na si Zaldy Rosiada, 39 ng Kaunlaran Village ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Alma Amiral, 32, ng nasabing lugar, dakong alas-7 ng gabi, umuwi sa kanilang bahay ang suspek na lasing at walang salitang tinadyakan ang una.

Namilipit sa sakit ang biktima at nang mahimasmasan ay nagpunta sa barangay at ipadakip ang suspek.

Nabatid pa sa biktima na madalas siyang saktan ng ka-live-in lalo kapag lasing.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply