Kelot kulong sa panghahalay sa dalagang kapitbahay

KULONG ang isang kelot matapos halayin ang dalagang kapitbahay sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Arjay Rebuya, 21 ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang edad 23, dakong alas-11 ng umaga, nasa tapat siya ng kanilang bahay nang tawagin ng suspek na nasa tapat naman ng kanilang bahay.

Paglapit ng biktima ay hinatak ng suspek papasok sa bahay at doon pinaghahalikan.

Nang pumalag ang biktima ay tinutukan ng patalim ng suspek at pinagbantaan na papatayin na naging dahilan upang hindi na nakapalag ang dalaga hanggang sa mahalay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply