Kelot na nanaksak sa kainuman, kinasuhan ng murder

SINAMPAHAN na ng kasong frustrated murder ng pulisya ang isang lalaking sumaksak sa kanyang kainuman matapos lumabas sa imbestigasyon na binalikan ng suspect ang biktima matapos na una na silang mag-away kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kasalukuyang nasa kritikal pa ring kondisyon sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Miguel Basagan, 44, nakatira sa 19-A Mindanao St., Central Signal sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman kaagad ang suspect na si Rolly Ezchin alyas “Redford” residente rin ng Mindanao St., makaraan ang pananaksak, dala ang ginamit na patalim.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Darwin Allas at PO3 ricky Ramos ng Investigation Section ng Taguig police na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa habang kabilang sa grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman sa Putol na Tulay sa Col Bravo St.,Central Signal dakong
alas-11:45 ng gabi.

Sa kainitan ng kanilang pagtatalo, umalis umano ang suspect at nang bumalik ay armado ng ng patalim at pa-traidor ng pinagsasaksak ang biktima bago mabilis na tumakas patungo sa hindi nabatid na lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply