Kelot na salisi nahuli, kasama nakatakas

KULONG ang isang lalaking salisi habang nakatakas ang kasamang bebot nang tangayin ang bag ng tindera sa Valenzuela City kaninang umaga.

Nakilala ang suspek na si Edwin Maica, 22 ng Parola. Tondo, Manila habang nakapuga ang hindi pa kilalang bebot.

Sa pahayag ng biktimang si Armie Linda Mendoza, 25, dakong alas-8 ng umaga, abala siya sa pag-aayos ng mga panindang gulay sa Kadiwa Public Market sa McArthur Highway, Malanday ng lungsod nang tangayin ng mga suspek ang kanyang bag na may laman sa cellphone at P4,240 bago nagsitakas.

Nakita naman ng isang tindera ng biktima ang pangyayari na naging dahilan upang habulin ang suspek.

Narinig naman ng traffic aide na si Valentino Sementello na nakihabol subalit nakasakay na sa dyip ang mga suspek.

Sumakay din ng dyip ang traffic aide at nagawang maabutan ang mga suspek kung saan nadakip si Maica habang nakatakas ang kasamang bebot.

Nabawi rin ang bag ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply