Kelot naipit sa dyip, nalunod sa baha, dedo

PATAY ang isang 45-anyos na lalaki matapos maipit sa kinukumpuning dyip at malunod sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha sa Sampaloc, Maynila kagabi.

Ayon sa Manila Police District-Homicide Section, nakilala ang biktima na si Hannibal Faitec, ng Legarda, Sampaloc, Maynila.

Nauna rito, tinangka umano ng biktima na lagyan ng dyak ang kanyang dyip upang hindi tangayin ng tubig baha dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan ngunit aksidenteng natanggal ito.

Sanhi nito, nadaganan at naipit ang biktima ng kanyang dyip at hindi na ito nakaahon pa hanggang sa nalunod na lamang sa tubig baha.

Napansin na lamang ng kanyang kaanak ang nangyari ganap na alas-5:00 kahapon at agad itong isinugod sa De Ocampo Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply