Kelot nakuryente, tepok sa Paranaque

NANANATILI pa hanggang ngayong oras na ito sa tubig baha ang bangkay ng isang lalalki na nakuryente kagabi sa Parañaque City.

Kinilala ng mga opisyaL ng barangay ang biktima na si Sherwin Quijote, residente ng Barangay San Dionisio ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang biktima ay umakyat na bubungan sa bahay ng kanyang hipag na Helen para patayin ang sub-meter na nakakabit sa kawad ng kuryente.

Habang kinakalas ang kawad, tinapakan ng biktima ang isang water tank na natumba at sumayad ang katawan ng biktima sa high tension wire.

Biglang nangisay ang biktima at bangkay na ito ng bumagsak sa tubig baha. walang nagawa ang mga residente sa naturang lugar para kunin ang bangkay ni Quijote dahil sa takot ng mga ito na sila naman ang makuryente sa tubig baha.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply