Kelot natagpuang nakabigti sa tulay sa Maynila

ISANG lalaki ang natagpuang nakabigti sa ilalim ng tulay ng Arlegui sa labas ng gate malapit sa Malakanyang, kaninang umaga.

Sa inisyal na report ng Manila Police District-Homicide Section, inilarawan ang biktima na nakasuot ng kulay gray na shorts at naka t-shirt na kulay green.

Nabatid na pasado alas-10:00 ngayong umaga nang itawag sa himpilan ng pulisya ang tungkol sa isang lalaki na nakalambitin sa ilalim ng Arlegui bridge.

Ayon sa pulisya, ibitin ang biktima gamit ang alambre na ipinulupot sa leeg nito.

Hinala ng pulisya, na posibleng ibinitin ang biktima habang walang tao sa lugar.

Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply