Kelot nilikida sa harap ng bahay

TODAS ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay papalabas ng bahay upang bumili ng alak sa Malabon City kaninang madaling araw, Agosto 30.

Namatay si Lorenzo Gapuli Jr., 41 ng Dulong Hernandez, Catmon ng lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw, lumabas ng bahay ang biktima upang bumili ng alak nang makarinig ng putok ang ka-live-in nito na si Eva.

Nang tignan ang pinagmulan ay nakitang duguan nakahandusay ang biktima at patay na.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply