Kelot sinaksak na, binaril pa

PINAGSASAKSAK na binaril pa hanggng sa mapatay ang isang 40 anyos na lalaki ng di nakilalang suspek kagabi sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Reynaldo Corpuz, parking boy sa Divisoria .

Sa report ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, nakipag-inuman pa ang biktima sa ilang mga kaibigan bago nangyari ang insidente sa Gate 1 ng Pier 2 sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Gallo, maaring nakaalitan ng biktima ang di nakilalang suspek at matindi ang galit sa kanya dahil pinagsasaksak na, binaril pa ang una upang matiyak na hindi na ito mabubuhay pa.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply