Kelot sinalpok ng bus sa Edsa, sugatan

NAGTAMO ng mga sugat ang isang lalaki makaraang mabundol ng bus sa ilalim ng Edsa-Ortigas Northbound.

Kinilala ang biktima na si Christopher Roweza, 30, na nabundol ng isang Jayross Lucky Seven Bus Liner habang patawid sa nasabing lugar.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa ulo at kasalukuyang ginagamot sa Quirino Medical Memorial Center.

Dahil dito, pina-impound na ng MMDA ang bus na nakabundol sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply