Kelot tigbak sa nag-amok na kalugar

PATAY ang isang 37-anyos na lalaki matapos itong pagsasaksakin ng nag-amok na kalugar sa Tondo, Maynila, kagabi.

Dean on arrival sa Mary Johnston Hospital ang biktima na si Randy Francisco, may-asawa, residente ng Fullon St., Tondo, Maynila.

Naaresto naman ang suspek na nakilalang si Arnel Aguillar, 33, walang asawa at nakatira sa 780 Fullon St. ng nasabi ring lugar.

Ayon kay P/Sr. Isp. Joey de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-7:30 kagabi sa may Fullon malapit sa panulukan ng G. Perfecto St. sa Tondo.

Lumalabas sa imbestigasyon ni PO2 Crispino Santos na bigla na lamang nagtatakbo ang suspek sa direksyon ng biktima at may dalang patalim.

Biglang umanong nag-amok at nagwala ang suspek na inawat naman ng ilang kamag-anak at ng biktima.

Sa puntong iyon, tinarget  ng suspek ang biktima na undayan ng saksak.

Mabilis namang nakadampot ng piraso ng kahoy ang bitkima bilang panangga sa saksak ng suspek ngunit tinamaan pa rin ito hanggang sa tumumba sa semento.

Habang nakahandusay ang biktima ay pinagsasaksak pa rin siya ng suspek ng ilang beses bago ito tumigil.

Isinugod pa sa nasabing pagamutan ang biktima ngunit namatay din makalipas ang isang oras sanhi ng tinamong apat (4) na tama ng saksak sa dibdib.

Agad namang naaresto at ngayo’y nasa kustodya ng MPD-Station 7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply