Kelot tinodas sa tulay sa Malabon

TODAS ang hindi pa nakilalang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi rin kilalang suspek sa ibabaw ng tulay sa Malabon City kagabi, Agosto 22.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang inilarawang nasa edad 35 hanggang 40.

Batay sa saksing si Ruel Santos, alas-10 ng gabi, narinig niya ang biktima na nagmamakaawa sa suspek sa ibabaw ng Lambingan Bridge sa Gov. Pascual Ave., Potrero ng lungsod.

Nagawa pang makatakbo ng biktima subalit pinutukan ng suspek at nang bumagsak ay muling pinagbabaril.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply