Kelot umawat sa away ng utol, todas

KAMATAYAN ang sinapit ng isang 28-anyos na lalaki matapos barilin nang umawat siya sa ayaw ng kanyang kapatid sa Sta. Ana, Maynila.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at tiyan ang biktimang si Expedito Rodas ng 1817 J. Posadas St., Punta Sta. Ana, Maynila

Nakatakas naman ang suspek na nakilalang si John Rey Francia, 28, ng 2526 J. Posadas Extn., Punta Sta Ana, Maynila.

Ayon kay PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-5:00 ng hapon kahapon nang naganap ang insidnete sa J. Posadas Extn. Punta Sta. Ana, Maynila.

Sa pagsisiyasat ni Layugan, nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang kapatid ng biktima at suspek kaya tinangka nitong umawat sa gulo.

Hindi naman akalain ng biktima na sa kanyang pag-awat ay sa kanya ibabaling ang galit ng suspek at binaril siya ng dalawang beses.

Matapos ang pangyayari, agad na tumakas ang suspek habang naisugod pa sa Sta. Hospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply