Kelot utas sa sinita ng tatay na nag-iinuman

PATAY ang isang lalaki matapos barilin habang nakikipagrambulan makaraang sitahin ng kanyang tatay ang mga nag-iinuman malapit sa kanilang bahay sa Valenzuela City kagabi, Agosto 30.

Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Christopher Tongco, 35, ng Santol St., Bagbaguin, nasabing lungsod.

Nadakip naman si Rodelio Geslani, ng General Geslani, watchman ng Gen. Luis St., Bagbaguin, nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-8:45 ng gabi, sinita ng tatay ng biktima ang mga nag-iinuman malapit sa kanilang bahay dahil maiingay na.

Nainis ang mga nag-iinuman at pinagtulungang bugbugin ang matandang Tongco.

Nang malaman ng biktima ang nangyari sa ama ay nagtawag ng mga kaibigan at binuweltahan ang mga nag-iinuman na naging dahilan ng rambulan.

Ilang residente ang tumawag ng mga tanod kung saan isa sa mga suspek ang rumesponde hanggang sa may pumutok at duguang bumagsak sa kalsada ang biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply