‘Kidnap’ scenario ni Go ‘di binili ng PNP

HINDI kaagad kinagat ng pamunuan ng Philippine National Police ang kidnap for ransom scenario na pinalutang kasunod ng pagkakadiskubre sa pagkawala ng convicted street killer  na si Rolito Go  kahapon, Agosto 15.

Ayon kay PNP Chief Nicanor Bartolome,  kanya nang ipinag-utos na busisiing mabuti ang pangyayari dahil hindi niya basta-bastang tinatanggap ang kuwentong kidnap for ransom.

Una rito, iniulat ng pamilya Go na nakipag-ugnayan sa kanila ang kidnappers at humihingi ng P1 milyon matapos dukutin si Rolito nitong Martes ng gabi habang nasa Ina ng Awa Church kung saan ito nakatalaga bilang living out prisoner.

Sinabi pa ni Bartolome na kung totoo mang kinidnap ang dalawa ay aalamin nila kung bakit pinalaya ang mga ito gayong hindi naman anya natuloy ang bayaran ng P1 milyon na sinasabing hinihingi ng mga kidnapper kahapon.

“Allegedly, may P1 milyon talagang hinihingi dahil ‘yun din ang na-monitor nung ating Anti-Kidnapping Group pero hindi natuloy daw. Hindi naibigay ‘yung P1 milyon.” pahayag ng opisyal.

Binanggit ni Bartolome na base sa medical examination kay Go kagabi ay may ilang sugat ito.

Upang malinawan ng media ang sinasabing naganap na pagdukot kay Go ay ito mismo ang pinagsalaysay sa pangyayari sa isinagawang pulong balitaan bago ito tuluyang inilagay  sa kustodiya ng  Bureau of Correction upang bunuin ang nalalabing hatol sa kanya.

Isinalaysay ni Go sa ginanap na press conference ng PNP sa compound ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang nangyari sa kanila ng pamangking nurse na si Clemence Yu.

Ayon kay Go, galing sila ni Yu sa Ina ng Awa Church at nang pabalik na sa minimum compound nang harangin ng apat na kidnapper.

“[Mula] sa may simbahan ng Inang Awa, n’ung pabalik na ko sa minimum compound, bigla silang pumasok, apat sila. Taga-NBI  daw sila. Ang sinasabi eh lumalabas daw ako sa compound. Sabi ko, ‘Paano ako lalabas eh may sakit ako, under medical treatment pa ako?” ani Go.

Sinabi nito na puwersahan siyang isinakay sa sasakyan para umano pumunta sa opisina ng Bueau of Corrections (BuCor).

“N’ung papunta sa maximum, akala ko didiretso. Dun ako lumaban na biglang nag-u-turn papalabas na ulit… Mukhang peke na eh.” At mula roon ay dinala umano sila ng kanyang pamangkin sa Batangas at doon itinago.

Tugma sa pahayag ng pamilya ni Go sa imbestigayson ng PNP, iginiit din nitong humingi ng ransom ang mga kidnapper pero pinakawalan din siya ng mga ito.

Ayon kay PNP Chief Bartolome, maaaring pinilit nga ng abductors si Go na sumama sa kanila dahil nakitaan ito ng mga sugat.

Kaninang umaga ay narekober ang kotse ni Yu na ginamit sa sinasabing kidnapping  sa Santo Tomas, Batangas.

Ginagawa na ngayon ang artist sketch ng mga kidnapper nina Go at Yu.

Matatandaang nawala si Go sa National Bilibid Prison (NBP) nitong Martes ng gabi, at sinabi ng kanyang pamilya na  dinukot ito kasama ang kanyang pamangkin na nurse.

Base sa inisyal report, sinasabing nakatakas sina Go at Yu sa kanilang mga kidnapper sa Tanauan, Batangas.

Mula roon ay sumakay ng bus ang dalawa at bumaba sa Alabang.

Sa isang mall na sa Alabang dinatnan ng kaniyang pamilya at ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group sina Go at Yu saka dinala sa Kampo Crame.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply