Kidnap story ni Go iimbestigahan din ng NBI

BAGAMAT napasakamay na ng mga awtoridad ang convicted murderer na si Rolito Go ay tuloy pa rin ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa umano’y pagkidnap dito habang nakapiit sa loob ng National Bilibid prison (NBP) sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, layunin ng imbestigasyon ng NBI na malaman kung may iba pang nasa likod ng pagpuga o pagdukot ‘diumano kay Go sa bisinidad ng NBP.

Sinabi pa ni De Lima na maaari nitong irekomenda ang pagkakasibak ng sinomang matutukoy na nagkaroon ng kapabayaan  kahit pa ang mataas na opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) at NBP.

Kaugnany nito, una nang sinabi ni BuCor Director Gaudencio Pangilinan, na mahirap paniwalaang nakidnap si Go mula sa bisinidad ng NBP.

Sinasabing si Go ay hiningan ng P1 milyon ransom ng kanyang abductors ngunit pinalaya rin ito kahit hindi nakuha ang nasabing halaga.

Nabatid na posible namang makasuhan ng Evasion of service of sentence si Go kapag napatunayang hindi totoong kinidnap ito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply