Kidnapping, hulidap sa NBP, kinumpirma ni De Lima

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na nagaganap ang insidente ng kidnapping at hulidap sa loob ng ng New Bilibid Prisons.

Ito ang napag-alaman ni de Lima sa ilang araw niyang pagpapabalik-balik sa Bureau of Corrections nitong nakaraang linggo.

Si de Lima ang tumayong officer in charge ng NBP matapos tanggapin ni Pngulong Benigno Aquino ang isinumitng leave si NBP Director Gaudencio Pangilinan dahil sa kontrobersyal na pagkawala ni convicted murderer Rolito Go sa NBP.

Ayon kay de Lima, may mga insidente talaga ng kidnapping at hulidap na nangyayari sa NBP.

Sinabi ng kalihim na ang problema lamang ay ayaw naman makipag tulungan ang ilang complainant o biktima.

Sinabi ng Kalihim na pinaiimbistigahan na rin maging ang mga insidente ng hulidap sa NBP.

Kaugnay nito, balak ni de Lima bumuo ng lupon ng NBI na mag-iimbistiga sa hulidap at kidnapping sa NBP.

Ani De Lima, posibleng may katotohanan ang insidente ng pagkidnap sa convicted murderer na si Rolito Go.

Ipinaliwanag ni de Lima na hindi maituturing na isolated case ang nangyari kay Go dahil mayroon umanong kidnapping syndicate ang nag-ooperate sa loob ng New Bilibid Prisons.

Kahapon ay muling nagpulong sina de Lima at NBI hinggil sa kontrobersiyal na pagkawala ng convicted murderer na si Rolito Go sa NBP.

Nakapanayam na rin, aniya, ng NBI ang pamangkin ni Go na si Clemence Yu at kapatid na babae ni Go bilang bahagi ng imbestigasyon.

Sinabi rin ni de Lima, na naniniwala siyang posible ngang dinukot si Go dahil sa naging takbo ng imbestigasyon ng NBI ay sinasabing may katotohanang totoo ang alegasyon ni Go na dinukot sila ng kanyang pamangkin at hindi siya nagtangkang tumakas.

“Naniniwala kami d’un sa version kasi ininterview naman nang maayos si Rolito Go, ‘yung kanyang pamangkin, ‘yung kanyang kapatid at iba pang witnesses at nako-confirm na ‘yung mga naging ruta n’ung inabduct sila and… they were able to trace ‘yung lugar,” sabi ng kalihim .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply