Kilabot na tulak sa Nueva Ecija timbog sa PDEA

NAHULOG sa bitag ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang kilabot na pusher na kabilang sa Number 5 target list ng ahensya sa Nueva Ecija at isang kasamahan nito sa ikinasang buy-bust operation noong Miyerkules.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Brandon Dela Cruz, 29 anyos at kasamahan nitong si James Bautista, 26, single, kapwa residente ng Sito Punawa, Caloocan, Bambang, Nueva Vizcaya. Si Bautista ay kabilang sa PDEA provincial watch-list ng drug personalities.

Ang dalawa ay nahuli matapos bentahan ng mga ito ng shabu ang isang PDEA poseur-buyer sa isang buy-bust operation sa may Sitio Punawa, Caloocan, Bambang, Nueva Vizcaya.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 26 (Conspiracy) na may kaugnayan sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, isang menor at isang dalaga ang nadakip din sa isang buy bust operation sa Karagwa, Poblacion Danao City ng mga tauhan ni Dir. Jigger Montallana ng PDEA RO7.

Kinilala ang mga nahuling sina Lovelyngen Hermita, 22-anyos at isang 16-anyos na menor matapos silang mahulihan ng dalawang sachet ng shabu at P500 marked money.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply