Killer ng seaman sa Ilocos kilala na

KILALA na ng Philippine National Police (PNP) ang bumaril sa mag-ama sa Badoc Ilocos Norte.

Kinilala ang suspek na si Clarence Bautista, bumaril sa mag-amang sina Efren Villa at Joy jansen Villa.

Binawian ng buhay si Efren, seaman habang nasugatan ang anak niyang si Joy matapos tambangan habang pauwi sa Brgy. Garreta, Badoc.

Si Bautista ay positibong kinilala ng isa pang anak ni Villa na bumaril sa ama at kapatid.

Ang biktima na si Villa ay nagbabakasyon lang at paluwas na sana kinabukasan bago siya nabaril.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply