Kinalasan ng nobya, binata nagpatiwakal

PATAY na nang maabutan ang isang binata matapos magbigti sa puno ng kahoy  makaraang kalasan ng kasintahan kaninang umaga sa Brgy. 168, Deparo Caloocan City.

Kinilala ang biktima na nakabitin sa punong mangga na si John Erick Magtibay, 18, store helper.

Sa ulat, alas-6:45 ng umaga nang isagawa ang pagpapatiwakal ng biktima sa likod ng Paultess sari sari store sa Villa Maria Subdivision, nasabing barangay.

Sa pahayag ng saksing si Michelle Aclan, 21, pinsan ng nasawi, ilang oras bago ang insidente ay kausap nito sa cellphone ang kanyang kasintahan at nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa mauwi sa hiwalayan.

Dinamdam aniya ito ng biktima kaya kinaumagahan ay nagbigti ang biktima sa puno ng mangga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply