Klase sa ilang paaralan sa Cainta, Rizal suspindido pa rin

KANSELADO pa rin ang klase sa ilang eskwelahan sa Cainta, Rizal dahil ginagamit ang paaralan sa mga nagsilikas na residente dahil sa baha at patuloy na pag-ulan

Kabilang sa mga walang pasok ngayong araw ang Planters Elementary School, San Francisco Elementary School, FP Felix Unit 1 Elementary School, Kabisig Elementary School at Arinda Elementary School.

Ayon kay Cainta Mayor Dominic ‘Mon’ Ilagan, ginagamit pa ring evacuation centers ng mga residente ang mga nabanggit na paaralan.

Inaasahan naman na makababalik na sa kani-kanilang tahanan ang mga evacuee ngayong weekend upang maipagpatuloy nila ang pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply