Klase sa Marikina, Hagonoy, ilang eskwelahan sa NCR kanselado pa rin ngayong araw

KANSELADO pa rin ang klase ngayong araw sa mga eskwelahan sa Marikina at Hagonoy, sa Bulacan at ilan sa mga paaralan sa National Capital Region.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Marikina, suspendido ang pasok mula preparatory hanggang high school sa lahat ng pumpubliko at pribadong paaralan kabilang ang Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.

Suspendido rin ang pasok mula kindergarten hanggang high school sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Hagonoy, dahil maraming lugar ang lubog sa tubig baha.
Samantala, suspendido pa rin ang pasok sa ilang eskwelahan sa Taguig:

-Tipas Elementary School Annex
– CP Tinga Elementary School
– R Papa High School Main and Annex
– Tipas National High School
– Ususan Elementary School
– Napindan Elementary School
– Tipas Elementary School Main – Pre-school at Kinder

Balik eskwela na ang karamihan sa kalakhang Maynila at karatig na lalawigan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply