Klase sa QC, Caloocan, Marikina, Navotas, Pateros kanselado bukas

DAHIL inaasahang pa rin ang patuloy na pag-ulan bukas dulot ng habagat, ilang lokal na pamahalaan ang nagdeklara na ng walang pasok sa mga eskuwelahan bukas, Miyerkules, Agosto 8.

Sinuspindi na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pasok sa lahat ng level sa mga eskuwelahan , pribado man o publiko.

Ayon kay Bautista, marami sa mga eskuwelahan ay ginagamit pa na mga evacuation centers.

Dahil inaasahan pa rin ang patuloy na pag-ulan base na rin sa ulat ng Pagasa, ,ayon kay Bautista, minabuti ng lokal na pamahalaan na isuspindi ang pasok.

Ito ay para mabigyan rin pagkakataon ang mga residente na maasikaso ang kanilang kalalagayan.

Suspendido rin klase sa Marikina, Caloocan, Navotas  at Pateros

Ayon kay Vice Mayor (Jose) Cadiz, classes in all levels in Marikina are suspended tomorrow, August 8, 2012.

Inanunsyo rin ni Mayor Enrico Echieverri na suspindido ang klasa sa lahat ng antas public o private sa Caloocan City.

Sinuspindi rin ni Navotas City, Mayor John Rey Tiangco ang klase sa lahat ng antas, in both public and private schools sa Navotas.

Gayundin, sinuspindi rin ni Pateros Mayor Joey Medina ang klase sa lahat antas — from primary, secondary to tertiary —dahil sa sama ng panahon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply