Knights hahatakin ang Altas

NANGANGANIB ang host Letran Knights na hindi makapasok sa Final Four dahil nasa panglimang puwesto sila ng team standings hawak ang 5-5 win-loss card.

Sinusundan ng Knights ang magkasalo sa third at fourth spot, Jose Rizal University Heavy Bombers at Perpetual Help Altas tangan ang tig 7-3 panalo-talo karta.

Kaya naman nais ng Intramuros-based Letran na makalapit sa top four at hatakin pababa ang Altas na makakaharap nila ngayong alas sais ng gabi sa nagaganap na 88th NCAA men’s basketball tournament sa San Juan Arena.

Kumpiyansa si Letran head coach Louie Alas na makakaahon pa ang kanyang tropa lalo na ngayong naglalaro na muli ang pambato nitong sentro na si Raymond Almazan.

Sumampa sa No. 3 ang Letran nakaraang taon subalit natalo sila sa semis kontra San Sebastian College Stags.

Bago ang laban ng Letran at Perpetual maghaharap muna ang Heavy Bombers at Mapua Cardinals sa alas kuwatro ng hapon.

Kailangan ding manalo ng Cardinals sa JRU upang manatili ito sa kontensyon.

Nasa pang-anim na puwesto ang Mapua na may 4-6 baraha.

Samantala, umalagwa na sa top spot ang defending champion San Beda College Red Lions matapos lunukin ang College of Saint Benilde Blazers, 74-56 kahapon.

Sakmal ng Red Lions ang 9-2 card nasa likuran nila ang last year’s runner-up Stags na may 8-3 karta.

Umarangkada naman ng tatlong sunod na panalo ang Emilio Aguinaldo College Generals ng paluhurin ang Arellano U Chiefs, 76-57 upang ilista ang 4-7 slate.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply