Koleksyon ng buwis sa lisensya sa QC, tumaas ng 50%

TUMAAS ng mahigit 50% ang nakolektang buwis ng Quezon City Business Permit and License Office nitong mga nakalipas at kasalukuyang buwan.

Busod umano ito ng maayos at epektibong alituntunin na ipinapatupad ng tanggapan ng BPLO tungkol sa mga kinakailangang mga dokumento sa mga lehitimong negosyo sa lungsod.

Ayon kay Gary Domingo, BPLO Chief, inatasan niya ang kanyang assistant na si Julius Avenido at hepe ng operation na si Ex-Gen. Rosendo Franco na sitahin ang mga iligal na negosyo at payuhan na tugunan ang mga kailangan para maging legal.

Dahil dito, lumilitaw na halos lahat ng mga negosyo sa Quezon City ay lehitimo kaya umabot sa 59 % ang koleksiyon sa revenue tax.

Ayon pa kay Avenido, maraming mga investor ang pumapasok  ngayon sa Lungsod at sisiguruhin ng BPLO ang mabilis na serbisyo sa kanila.

“Kapag may reklamo laban sa mga iligal na negosyo sa lungsod, agad na tinutugunan namin ito at bibigyan lamang ng babala ang inireklamo para ayusin ang mga papeles para maging legal,” saad ni  Gen. Franco.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply