Komite para sa state funeral ni Robredo binuo ng Palasyo

BUMUO na ang Malakanyang ng komite para sa state funeral ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo.

Sa Memorandum Circular na inilabas ni Executive Secretary Paquito Ochoa, kabilang sa komite ang kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Office of the Presidential Spokesperson at Presidential Communications Office.

Kasama rin dito ang Presidential Management Staff, Presidential Appointments Office, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Presidential Security Group at City Government of Naga.

Nakasaad din sa Circular na ang Presidential Communications Office ang mamamahala sa opisyal na pagbibigay ng state funeral sa pumanaw na kalihim.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply