Konduktor na walang modo at diskriminasyon sa tribo

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga tagasubaybay na maglabas ng kanilang mga hinaing, reklamo, paniniwala at paninindigan sa mga nagaganap sa ating lipunan.

DISKRIMINASYON SA KATUTUBO

Diskriminasyon. Kailan kaya ito mabubura rito sa bansang Pinas? Kalimitan kung sino ang tinutukoy sa “diskriminasyon” ay kaming mga tinatawag ninyo na KATUTUBO. Ganito kasi.

Sa lugar namin na mga katutubo ay bihira ang mayroon o kaya ay walang ilaw o kuryente.

Kahit sa paghahanap ng trabaho, kami ay nadi-disregard at kung meron man kaming trabaho ay yung pinakamababang posisyon at may mababang sahod even though na kami rin ay may pinag-aralan.

Ako ay nagtapos na guro at suwerteng nakapasa sa  Board Exam pero ako ay nadi-discriminate. Ang kasabay ko, puro anak-mayayaman, anak ng mga politiko at ng mga may matataas na posisyon sa gobyerno. Kailan kaya kami mapabilang sa lipunan? Ang parents din namin ay buwanang nagbabayad ng buwis. Kami po ba ay mga tao o ang tingin nila sa amin ay mga animal?   Ingrid Pangandaman, ng Indigeneous People ng Pilipinas.
+63920823….

PUENTEBELLA AT POC

Dapat na palayasin na si Puentebella sa Philippine Olympic Committe para walang hassle. Kung gusto niyang manalo dapat pamilya na lang niya ang ipinadala sa London. Hahaha!  Isa pa, walang Presidente na perpekto. Lahat may pagkukulang kaya dapat magkaisa ang sambayanan para sa ikauunlad ng bayan. Mabuti pa itong si PNOY kasi kontra kurakot siya. +63909925….

CBCP AT ANG RH BILL

Good pm po. About po sa rh Bill. Sana po ‘wag nang makialam ang cbcp. Kapakanan po ng ating bansa lalo na ang taong bayan ito.

Sa pagkakaalam ko, ang rh Bill po ang true meaning ay responsible parenthood. Katoliko po ako. Ang masasabi ko lang po ay ito. Kapag ‘di po kayang pag-aralin at pakainin ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil sa dami ng mga ito, nakatutulong po ba ang kaparian natin? Ang sagot: hindi po.

Ang sinisisi po ay ang gobyerno natin. They keep on blaming the President with regard to this problem. Isa pong solution ito to educate the Filipino people pero bakit sila kumokontra? Sana po, face the reality.

Sa tingin ko po, ‘yung mga kontra sa RH Bill ay plastik gaya ng ibang mambabatas. Paano, kahit dumami ang mga anak nila, ‘di naman nila ramdam ang kahirapan dahil mayaman sila.

Magpakatotoo po tayo. Kung ang iniisip po natin ay kapakanan ng ating bansa at mga mamamayan, ‘di po natin dapat pang pag-debatehan ang rh Bill. ‘Yun lang pong usapan dito ay realidad at pagiging totoo. Go, go RH Bill. +63928789….

NABABAHALA SA PAMAMASLANG

Komento ko: nakababahala na talaga ang buhay hindi lang sa  parte ng mediamen kundi sa mga ordinaryong tao at mga kapulisan. Siguro kailangan na talagang kumilos ang administrasyon upang masugpo na ang ganitong gawain. Kung kinakailangan, gumamit na ng bakal na kamao. Renzo, ng Bulacan. +63906100….

PAGKAKAISA AT PAMUMUNA

Good pm po. Maganda po ang criticism pero sa tingin ko, bakit puro na lang kasiraan ng Pangulo ang ginagawa ng oposisyon? Bakit ‘di na lang po mag-unite para sa pag-unlad ng ating bansa.

Ang Presidente po natin ay ginagawa naman ang kanyang tungkulin sa kabutihan ng ating bansa. ‘Di po ba mas magaan ang problema kung lahat ay magkakaisa? ‘Yun pong pagkakawatak-watak ng mga Filino ay dahil po sa mga tumutuligsa sa ating Pangulo. ‘ Di po ba mas maganda na silang namumuno ang magpakita ng magandang ehemplo sa kanilang nasasakupan? Kaya po ang mga tao ay nagkakagulo dahil mismo ang mga namumuno ang magulo. Mas madali pong masolusyunan ang lahat ng problema kung tayo ay magkakaisa. +63928789….

MAHAL NA STALL AT MARKET FEE

Good day, Sir Benny. Paki- kalampag naman po sa pitak ninyo ang mga anomalyang ginagawa rito sa pamilihang bayan ng Alfonso, Cavite.  Grabe po. Napakataas na sumingil ng market fee at stall gayong wala naman sa ayos ang sistema ng palengke.  Pinagkikitaan talaga ng mga contractor at ng municipal engineer ang mga proyekto rito sa aming bayan. Pati po ang mga nakatira sa gilid ng palengke ay ganun na lang kung paalisin ng municipal engineer na si Henry Ilagan. Siya po kasi ang supplier ng materyales sa mga project dito. Maawa po kayo sa amin, pakitulungan niyo po kami rito. +63929418….

REKLAMO SA TRABAHO

Good evening po. Ako po si Rinaldo Tillo. Nagtrabaho po ako sa konstraksyon sa ilalim ng Amyes Builder Company. May landline ang kompanya na 6567684  at cellphone number na na 09189415955 at 09228687001.  Kasi po, 7 years akong nag-work diyan. Ngayong umalis ako, hindi  man lang ako binigyan ng 13th month pay. Salamat po! +63909226….

REKLAMO VS SAN AGUSTIN BUS

Naranasan na ba ninyo ang sumakay sa San Agustin bus na may biyaheng Manila-Cavite? May bastos at walang modo umanong konduktor diyan, lalo na ang nakatalaga sa bus na may plakang TYS 919.

Kung nagre-request daw ang isang pasahero na ayusin ang puwesto, halimbawa ng aircon, akalain mong sisinghal ang konduktor sabay-sabing “hindi ako utusan dito.”

Oo nga pala, kung saan-saan din umano sumusulpot ang mga ipis sa ilang bus ng San Agustin at gumagapang sa mga katawan ng mga pasahero.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply