Kongresista napikon sa mga opisyal ng DND

ISANG kongresista ang napikon sa mga opisyal ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines matapos siyang itaboy sa Masbate Airport.

Ikinuwento ni Cebu Rep. Thomas Osmeña na siya ay nagtungo sa Masbate para tumulong at makapagbigay ng impormasyon sa paglubog ng eroplano gayundin sa isinagawang search and retrieval operations ngunit pinalayas siya ng mga sundalo.

Kinukwestyon ni Osmeña kung bakit ayaw palapagin ang sinasakyan nyang aircraft gayong iisang eroplano lang ang naka-standby doon.

Paliwanag naman ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na nang isinasagawa pa ang paghahanap kay DILG Secretary Jesse Rpbredo ay hindi na sila ang may control sa sitwasyon sa paliparan kundi ang mga tauhan ng Presidential Security Group.

Nagkataon aniyang kasabay ng paglapag ni Osmeña ang pagdating naman ng C-130 plane na kinalululanan ni Pangulong Aquino na sya ring magdadala ng bangkay ni Robredo sa Naga City.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Eastern Samar Rep. Ben Evardone na tigilan na ang paninisi kay Pangulong Aquino matapos niyang ipadala si Robredo sa CIDG Convention sa Cebu noong Sabado kung saan ang kalihim ang nagbigay ng dapat sana ay kaniyang mensahe.

Iginiit ni Evardone na malisyoso at walang basehan ang mga espikulasyon na lumalabas na kung hindi dahil sa Pangulo ay hindi sana maaaksidente ang kalihim.

Aniya pa, tungkulin ng mga miyembro ng gabinete ng Pangulo na maging alter ego o kinatawan sa anumang pagkakataon kaya’t marapat na irespeto ito ng lahat.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply