Konsehal kritikal sa riding-in-tandem

ISANG konsehal ang nasa kritikal na kondisyon makaraang barilin ng riding-in-tandem sa labas ng isang public market sa Matalam, North Cotabato, kaninang umaga.

Kinilala ang nasawi na si Mong Palalay, konsehal ng Barangay Marbel sa Matalam habang nadamay din at natamaan ng stray bullets ang dalawang pedicab driver na hindi pinangalanan.

Nabatid na nakatayo si Palalay sa labas ng public market sa Poblacion bandang alas-10:00 ng umaga ng bigla siyang hintuan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na walang plate number.

Isa sa dalawang lalaki ang bumaril sa biktima gamit ang kalibre 45.

Nabatid na ilang metro lamang ang layo ng police station sa naturang public market.

Kaagad namang rumesponde ang pulisya na nakipaghabulan pa sa mga suspek ngunit nagawa pa ring makatakas ng mga ito.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Dinala naman sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas Complex sa Kidapawan City ang mga nasugatan upang malapatan ng lunas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply