Kontribusyon ni Robredo sa pagbabago sa ARMM inihayag ni Hataman

INIHAYAG ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman na malaki ang naging kontribusyon ni DILG Secretary Jesse Robredo sa mga ipinatupad niyang reporma sa rehiyon.

Sa pagkawala ng kalihim ay nagdadalamhati din ang buong Muslim community sa Mindanao.

Ayon kay Hataman, aktibo ang namayapang kalihim sa pagsuporta sa mga reform agenda ni Pangulong Aquino sa ARMM partikular sa kinakaharap na problema sa politika at pamumuno sa rehiyon.

Dagdag pa ni Hataman, hindi malilimutan ng mga Mindanaon si Robredo dahil palagi nitong binibisita ang Mindanao kaya kilalang frequent visitor ito ng ARMM.

Iginiit din ng gobernador na napaka-approachable ng kalihim dahil anumang oras ay pwede siyang tawagan para kausapin.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply