Korean national, hinablutan sa loob ng sasakyan

NAGKAROON na ng alinlangang bumisita muli sa bansa ang isang Korean national dahil kahit nasa loob ito ng kanyang sasakyan kasama ng kaibigan ay nagawa pa rin siyang biktimahin ng mga kawatan sa Malate, Maynila.

Si Jung Sun Her, 34 at pansamantalang nanunuluyan sa B-23 17th Victoria Tower, Panay corner Timog Ave., Quezon City  ay personal na dumulog sa Manila Police District  (MPD)-General Assignment Section (GAS).

Naaresto naman ang isa sa limang suspek ng mga opisyal ng barangay na si Mark Jay Huarde 18, walang tarabaho ng 1`951 Maria Clara Orosa St., Malate, Maynila.

Sa report ni SPO1 Jonathan Bautista ng MPD-GAS, dakong 6:30 ng gabi nang naganap ang insidente sa Remedios Circle, Malate, Manila.

Ayon kay Her, nakaparada ang kanyang sasakyan kasama ang kaibigan nang lapitan sila ng mga suspek, tatlo sa kanila ang puwersahang binuksan ang kanyang sasakyan habang ang dalawa sa mga suspek ay humarang sa harapan ng sasakyan upang hindi sila makaalis .

Isa sa suspek ang puwershang hinablot ang wallet ng kaibigan ng biktima habang ang isa pang suspek ay  hinablot naman ang kanyang kuwintas na nagkakahalaga ng P10,000.

Matapos ang insidente, nagtungo ang mga biktima sa barangay hall ng Barangay 707 Zone 77 at inireport ang insidente.

Nakatanggap naman ito ng tawag ganap na alas 3:00 ng madaling araw nang makatanggap siya ng tawag mula kay Brgy. Kagawad Dondi Berangoy at sinabing naaresto nila ang isa sa suspek na si Huarde.

Personal namang kinila ng biktima ang suspek na siyang humablot ng kanyang kuwintas, gayunman  hindi na ito narekober na hinihinalang naipasa na ito sa kasamahan nito na kasalukuyan pang pinaghahanap.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply