Korte, Manila City Hall wala pa ring pasok ngayon

SUSPINDIDO rin ngayong araw ang pasok sa Manila Regional Trial Court sa lungsod ng Maynila.

Sa pamamagitan ni Supreme Court Spokesperson Gleoresty Guerra, sinabi ni Acting Justice Antonio Carpio na wala pa rin pasok ang korte sa Maynila dahil na rin sa kawalang ng kuryente sa gusali ng Manila City Hall.

Nauna rito, inanunsyo ni Acting SC administrator  Midas Marquez na wala pa ring pasok sa lahat ng korte sa National Capital Region.

Manila City hall wala pa rin pasok ngayon

WALA pa ring pasok ngayon ang mga empleyado sa Manila City Hall.

Ito ay sa gitna pa rin ng kinakaharap na matinding pagbaha sa ilang lugar sa Kamaynilaan na hindi maaring daanan ng mga motorist.

Bukod dito,hirap pa rin ang publiko lalo na ang mga estudyante at mga empleyado na magtungo sa kani-kanilang mga paaralan at opisina dahil hanggang ngayon ay lubog pa rin sa baha ang karamihang lugar sa Kamaynilaan.

Sa underpass sa may Quezon Blvd sa may Recto ay hindi pa rin passable gayundin ang Lagusnilad sa tapat ng Manila City Hall at ibat-ibang lugar sa Maynila.

Ang matinding pagbaha sa Kamaynilaan at ibang karatig lalawigan at probinsya ay bunsod ng pinalakas na moonson surge o hanging Habagat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply