Korte Suprema binalasa ni CJ Sereno

NAGSIMULA na ang balasahan sa unang araw ng panunungkulan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno Korte Suprema.

Batay sa ipinalabas nitong Special Order No. 1298 alinsunod na rin sa Internal Rules of the Supreme Court, ang First Division ngayon ay kinabibilangan na ni Sereno bilang chairperson; Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro, bilang working chairperson at members na sina Associate Justices Lucas Bersamin, Martin Villarama, Jr. at Bienvenido Reyes.

Itinalaga namang chairperson ng second division si Associate Justice Antonio Carpio at miyembro sina Associate Justices Arturo Brion, Mariano del Castillo, Jose Perez at Estela Perlas-Bernabe.

Pamumunuan naman ang 3rd division ni Associate Justice Presbitero Velasco, Jr. at itinalagang miyembro sina Associate Justices Diosdado Peralta, Roberto Abad at Jose Mendoza.

Sa unang araw din ni Sereno, sinabayan ito ng kilos-protesta ng grupo ng mga magsasaka at tinawag nilang “pro-Cojuangco” ang bagong punong mahistrado dahil sa boto nito sa landmark case kaugnay sa Hacienda Luisita issue.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply