Kotongerong palace exec

USAP-USAPAN ang ginagawang kahihiyan ng isang palace official – na malapit pa umano kay Pangulong Noynoy Aquino – riyan sa Bureau of Customs.

Ang opisyal na ito, ayon sa tsismis ay ginagamit daw ang posisyon para makapangotong sa ahensyang pinamumunuan ni Comm. Ruffy Biazon. Ginagamit ng nasabing opisyal na tinawag ng Chokepoint insider na ‘Mokong’ ang isang ‘Banjo’ sa pangongolekta ng kanyang weekly ‘tong’.

Dalawang tiwaling opisyal daw ng BOC naman ang kinontak ni Mokong para siya’y alalayan sa kanyang ‘kotong’ activities sa Aduana.

Tuwing Biyernes ng hapon kung kunin ni ‘Banjo’ sa mga inaalagaang mga illegal importer at broker  ang ‘lagay’ na para kay Mokong.

Kaya raw ganun na lamang ang pagpupursige ni Mokong na makakuha ng ‘weekly tong’ ay dahil nag-iipon ito para sa kanyang ‘waswit’ na kakandidato sa darating na election. Ang napababalitang kalokohan at kabuktutan ng isang opisyal na taga-Palasyo pa mandin at malapit pa umano sa Pangulo ay nakababahala.

Kung Palace official pa ang mismong kumakaliwa o kumakanan at ayaw tahakin ang tuwid na daan ni PNoy, aba’y masamang pangitain yan.

Dahil siya’y pinagkatiwalaang isama ni Pangulong Noynoy sa kanyang official family, nararapat sigurong kumilos nang maayos si Mokong.

Akalain mo, mismong tao ng Malacañan ang siya pang kumokontra sa nais na pagbabago ni Pangulong Aquino. Ano bay an!

Wala naman sigurong mawawala kung pasilip ng Presidente ang kumakalat na balitang ito tungkol sa paghahasik ng lagim ni Mokong sa Aduana.

Nasimulan na nga ni Comm. Biazon ang paglilinis sa BOC pero ito naman may isang taga-Palasyo na pasimuno pa ng katarantaduhan sa ahensya.

Haaaayyyy, bansang Pinas, kailan ka maiibsan ng mga ogag na opisyal na matapos mabigyan ng posisyon sa pamahalaan ay  umaabuso naman.

PAIHI AT PIRATED DVDs SA BATANGAS

Kailanngan sigurong bisitahin ni OMB Chair Ronnie Rickets ang Batangas City na sentro ng bagsakan at bentahan ng piniratang DVDs.

Isang sindikato na pinamumunuan ng isang ‘Bobby Muslim’ ang nagkakalat at nagbebenta ng mga ito sa maraming lugar tulad ng Silang St., Evangelista St., na makikita sa old market at city proper at sa Julian Pastor Memorial Market at DVDs sa Lipa, Tanauan, Lemery, Balayan, Nasugbu, San Juan at Rosario.

Sa isang gasolinahan sa Brgy. Paharang at Brgy. Tabangao, Batangas City ay matindi rin umano ang operasyon ng paihi at buriki gang. Ang ninanakaw ay petroleum products mula sa Shell refinery at semento mula naman sa Fortune Cement sa bayan ng Taysan.

Ang nakapagtataka, hindi kumikilos si Batangas police chief Col. Nicolas Torre at  Col. Rosauro Acio. Abangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply