Sasakyan ng BIR agent, kinardyak sa QC

TINANGAY ng dalawang carjacker ang sasakyan ng revenue collector agent ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Queozn City kaninang umaga.

Sinabi ni Senior Inspector Romulo Tirado ng Quezon City Police District (QCPD) na kapaparada pa lamang ng biktimang si Jessie Narbaez sa isang Mitsubishi Adventure (TKQ-376) na pag-aari ng BIR, malapit sa regional office na nasa kanto ng Quezon Avenue at Scout Santiago nang lapitan siya ng mga suspek at kaswal na hiningi ang susi ng sasakyan.

Sa pag-aakalang nagbibiro lamang, tumuloy sa paglakad ang biktima pero hinarang siya ng mga suspek at doon ay tinutukan na ng baril at binalaang babarilin kapag pumalag pa siya.

Dahil sa takot, ibinigay na agad ni Narbaez ang susi sa mga suspek na agad namang minaneho ang sasakyan patungong Quezon City Circle.

Hindi naman sinaktan ng mga suspek si Narbaez pero tila na-trauma sa insidente

Sinabi ni Tirado na ipinaalarma na sa lahat ng police anti-carjacking units sa Metro Manila ang insidente na agad namang umaksyon at nagdispatsa ng mga tutugis sa mga suspek.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply